Search

KenogonP

Kurap. Nasa matuling sandali ng dilim ang kasiguraduhan.

The Lady and the Child

The lady had a smile. She had beautiful folds beside her eyes. But the child. She had a child behind her, trudging along. The child had troubled folds between his brows.

“But school is that way, mama,” he pointed to where the lampposts grew shorter in sight.

“I’m sorry,” the lady still had a smile. No. The lady still had a lie.

The child stared. He heard, but not understood.

“No, that’s not it. That’s not it, mama. That’s not what I want to hear,” he wanted to say.

But the child could not form the words like how he had formed the folds between his brows. But school was where the lampposts grew shorter in sight.

Advertisements

Sir Dumlao,

Tatlong padyak, tatlong palakpak, at isang nakaririnding hiyaw!

Halos mawala po ang katinuan ko sa course na ito, pero worth it. SUPER. Wala pong tapon sa mga tinuro niyo. Kahit mga joke nga po, may sense pa rin. Thank you nga rin po pala sa libro. 😀 Basta sir salamat po kasi ang amazing mo. Masayang malungkot po ako kasi tapos na ang klase natin, pero ayoko naman pong ulitin ang Fil21 kaya masaya na lang po sige. Hahaha 😀 Hanggang dito na lamang po. Hart hart.

U DA BEST. MAT SALA!

Radio Drama

filad1

Love has

Love has sentience
Hollow bones fleeting
For it hears, witnesses
All quiescent sensations
Of two soul’s cosmic collision

Love has words
It declares
Of beauty, of worth
Reveals letters
In the dusk of strangers

Love has musings
Who chants this duet?
Of the notes that belong
To the five dollar bottles
Colliding with kisses so untrue

By the wicked, devouring tide,
Ask me what love has
Before we are consumed, I tell you
Love has everything
Oh love, everything was too much

Huli Na

Aabante
Aatras
“Teka. Baka pwedeng mamaya na.”

Lalapit
Lalayo
“Bukas. Sigurado na, bukas.”

Tatayo
Uupo
“Wag na lang kaya?”

Tatakbo
Lalakad
Huli na. Nakababa na ang kurtina.

I love forgive you

Drunken confessions

And my relinquished sanity
And your tangled declarations of guilt, of fault
Let me shiver
As you unearth no dread
To being naked
Each pulse of the clear night
I marveled
Am I not worth your sober declarations of guilt, of fault?

Sober lies

And my deluded love
And your mouth of deceit
It’s always a wed
Of what our hearts could take
Of what our guts could bear
Cowards, we are
of our own love
Warriors, we are
of our own lies

Drunken confessions

For those, I love you.

Sober lies

For those, I forgive you.

filad2

komiks1

komiks2.jpgkomiks 3.jpgkomiks4.jpgkomiks5.jpgkomiks6.jpg

 

Alamat ng Pag-ibig

Sa kalagitnaan ng pamumukadkad ng mga salita mula sa isip at labi ng madla, kung kailan nanatiling walang ngalan ang init na kapag gumapang sa dibdib ay kasing laya ng alapaap at ang pagkasabik na kapag kumahig sa buto ay tila isang taos-pusong dalangin na tumatagos sa paraiso, may isang dalaga na kinakalinga ng punong Akasya. Siya ang tanging anak na babae ng isang engkanto na kung matanaw ang buhok ay dadanasin ang dilim ng liwayway na tinalikuran ng araw at kung madalaw ang kutis ay dadanasin ang paso ng ningas ng nag-aabang na bukas. Ipinagkaloob siya sa isang bayan upang magtalaga ng gabi at araw.

Tulad ng dating gawi, ang dalaga ay nakaupo sa pinakamatayog na sanga ng kanyang tirahan, nagsimula nang maghabi ng kalangitan at nilunod ito sa sayaw ng mga hiblang lila at kahel. Gumising mula sa pagkakahimlay ang mga tala. Ang buwan ay sumisid sa nakapaligid na batis. Nakangiting sumandal ang dalaga sa katawan ng puno, kinikiliti ng galak sapagkat ang madla ay muli nang makapagpapahinga.

Laking gulat niya nang may isang aninong parating, anino ng isang binata. Halos magsabay ang paglawak ng mga labi ng lalaki at ang pagsalubong ng kilay ng dalaga.

“Ibig,” wika ng nakatingalang binata na sinundan ng isang panandaliang tango. Tanging titig lamang ang sukli ng kausap. Napaisip ang estranghero na marahil ay hindi batid ng dalaga ang kanyang sinambit kaya ipinagpatuloy niya ito, “…ang aking ngalan.”

Nalagas ang mga araw, tunay na natatangi ang kanyang paghabi simula noong matikman ang tamis ng ngalang Ibig. Kaytitingkad ng bawat hibla, bawat araw at gabi sa bayan ay handog sa mga mata. Gayunpaman, sa ika-pitong pagdalaw ni Ibig, ang kanyang isipan ay nagngingitngit, hindi mahanap ang mga titik, hindi mapalubag ang lagwa ng mga damdamin.

“Kung ikaw ay sasama sa akin, iyong matatagpuan ang mga titik. Ang mga damdamin mo’y huhupa,” pabulong na sabi ni Ibig. Nangamba ang dalaga sapagkat nais niyang hagkan ang palad ng binata ngunit sariwa pa ang bulong ng kanyang ama na huwag lilisanin ang punong Akasya; kung hindi, ang masaganang bayan ay magiging kaparangan.

“Ako’y pagkalooban mo ng hanggang bukas ng dapit-hapon at ika’y pagkakalooban ko ng kasagutan,” tugon ng manghahabi. Malalim na ang gabi. Humayo ang lalaki.

Kinabukasan, nadatnan ni Ibig na bumababa mula sa puno ang dalaga. Tulad ng kanyang kutob, hinagkan nila ang isa’t isa at nagpagiri-giri hanggang sa hindi na abot ng tanaw ang Akasya. Nabasag ang katahimikan nang magtanong si Ibig, “Ngunit paano na ang gabi sa bayan?

“Isandig mo sa akin ang iyong mga ligalig. Sa ngayon, nais kong tuparin mo ang iyong pinangako, sabihin mo,” sambit ng dalagang ang mga mata ay sapat nang humalili sa marahil ay nakahimlay pa ring mga tala, “Ano itong init na kapag gumagapang sa aking dibdib ay kasing laya ng alapaap at itong pagkasabik na kapag kumakahig sa aking mga buto ay tila isang taos-pusong dalangin na tumatagos sa paraiso?”

Sa katahimikan ay masasagap ang bulong ng kanilang mga puso, bawat tibok ay parang mga nagkikis-kisang bato na anumang saglit ay magsisimula ng inosenteng liyab. Tinanong ng binata, “Sa anong pagkakataon mo nadarama ang iyong mga nabanggit?” Napaisip ang dalaga.

“Kapag nasisilayan kita, Ibig,” kanyang marahang tugon habang muling nalulunod sa tinutukoy na damdamin. Ang mga labi ni Ibig ay lumawak tulad noong kanilang unang pagtatagpo, “Sa wari ko’y batid mo na ang ngalan ng damdaming ito.”

“’Pag nariyan ka, Ibig,” wika ng dalaga, ninanamnam ang panibagong lasa, “Pag-ibig.”

Nagdaan ang tatlong araw at gabi, nagbalik ang dalaga sa punong Akasya. Sa halip na salubungin ng kaparangan, nanatiling pinagpala ang kinakalingang bayan. Nalaman ni Ibig na buong araw, bago ang dapit-hapon ng kanilang paglisan, ay naghabi ang dalaga ng mga hibla ng lila at kahel na sapat hanggang sa kanilang pagbalik. Nanatili ang lahat ng nakatakda. Gabi-gabing gumising mula sa pagkakahimlay ang mga tala at ang buwan ay hindi nabigong sumisid sa nakapaligid na batis. Ngunit sa kanyang paghabi ay may panibagong pagganyak, ang pag-ibig.

filad3

Si Mariang ‘Di Nakapagsasalita

Ako si Maria at ako’y hindi makapagsalita. Kung bakit, marahil ay may napakaraming dahilan. Ang ilan, hindi pa malapatan ng mga titik. Ngunit kung nais mong malaman sa sandaling ito, ako’y hindi makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Ano ba ang tamang sabihin? Ano ang hindi? Kung kahahabagan ng kalangitan, pagkalooban man lamang ako ng kung sino ang aking paniniwalaan na magdidikta ng kung alin ang alin.

Sa aking pagbabasa, panonood at pakikisalamuha, akala ko’y naglalakad ako. Tuwing matutulog ako sa gabi, umaasa akong may bago sa bukas. Hindi ko alam kung anong pagbabago ang pilit kong hinihintay, ngunit alam kong dapat ko itong hintayin. Nakakapagod dahil pareho pa rin ang umaga. Hindi pala ako umuusad. Hindi nakakaalis. Hindi pa rin makarating sa nais marating.

Blog at WordPress.com.

Up ↑